Ang daigdig ay isa sa mga planetang sa sistemang solar.

Rotasyon - Ang pagikot ng araw sa kanyang sariling aksis. Ang isang kumpletong 
rotasyon ay nagaganap sa loob ng 23 hours and 56 minutes o halos 24 hours. Ang Rotasyon ang sanhi ng araw at gabi.

Rebolusyon - Ang pagikot ng daigdig sa kanyang orbit palibot sa araw. Ang isang kumpletong rebolusyon ay nagaganap sa loob ng 365 1/4 days.Ang rebulosyon ang sanhi ng pagkakaroon ng ibat ibang uri ng panahon sa daigdig.

Ang mga bahagi ng mundo

1. Crust - ang ibabaw na bahagi ng daigdig. Ang kapal nito ay umaabot sa 32 kilometro mula sa ibabaw ng lupa at lumalagos hanggang sa may 10 kilometro mula naman sa ilalim ng dagat.

2. mantle - matatagpuan sa bahaging ito ng mundo ang mga naglalakihan at nagtitigasang tipak na bato. Umaabot 2,900 kilometro ang kapal nito.

3. Core - May dalawang bahagi ang core
Ang outer at inner core. Ang core ang pinakasentro at pinakailalim na bahagi ng daigdig. binubuo ito ng nickel at bakal kung kayat ito ang itinuturing na pinakamainit na bahagi ng mundo. Ang kapal nito ay umaabot sa 3,500 kilometro.

3/4 ang mukha ng daigdig sa tubig at i/4 ang lupa

Karagatan - ang pinakamalaking anyong tubig
kontinente - ang pinakamalaking anyo ng lupa

ang mga hanay ng atmosphere

1. trotospera - Ang hanay na matatagpuan sa ibabaw ng mundo hanggang sa taas na 10 kilometro. sa bahaging ito lumulutang ang mga ulap at dito rin nabubuo ang mga uri ng klima.

2. Istratosphere - Matatagpuan ang hanay na ito sa pagitan ng 10 hanggang80 kilometro mula sa ibabaw ng mundo.  Sa bahaging ito lumilipad ang mga eroplano.

3. ionosphere - nasa hanay na ito ang ion, isang uri ng gas na napakahalaga sa pakikipagtalastasan.

4. eksospera - ito ang panlabas na lambong ng mundo.


 
 
A. Tungo sa pagbuo ng bansang pagkakaisa

1. Pagpapahalaga sa buhay - Ang buhay ang pinakamahalagang biyaya ng diyos.
Dahil dito, nararapat lamang na pahalagahan ito sa anumang paraan.
Marami sa mga pilipino ang nagtatakwil sa ideya ng pagsasabatas ng legasyon ng aborsiyon sa pilipinas.

2. Pagpapahalaga sa disiplina - ay kakayahang pigilin ang sarili sa paggawa ng mga bagay na hindi makabubuti sa lahat.

3. Pagpapahalaga sa mga karapatang pantao - Napakaraming tinatamasang ang bawat tao. Mga karapatang mula sa diyos, mula sa konstitusyon ng bansa at mula sa batas.

Pag-ingatan ang ginagawang pakikitungo sa bawat kasapi ng komunidad.

4. Pagpapahalaga sa kaibahan ng iba - Pahalagahan at igalang ang pagkakaiba ng mga tao.

B. Tungo sa pambansang kaunlaran

1. Pagpapahalaga sa Talino at likas na kakayahan - Ang taglay na talino at kakayahan ng bawat tao ay nagmumula sa diyos.

2. Pagpapahalaga sa edukasyon - sa tuwinay sinasabi ng mga nakatatanda na tanging edukasyon lamang ang pinakamahalang bagay na maaari nilang maipamana sa mga kabataan.
 
Ang mga Malaking pangkat-etniko

Luzon

1. Tagalog - Umaabot sa 16, 054, 000 ang kabuuang bilang ng mga tagalog. Matatagpuan sila sa mga lalawigan ng Bulacan Nueva Ecijaa Quezon Aurora palawan Oriental Mindoro Occidental Mindoro Romblon Marinduque Cavite Rizal Laguna Batangas Metro manila bataan at zambales.

2. ilokano - May bilang na 5, 915, 000 ang mga ilokano. Kilala ang mga taong ito sa pagiging matipid, mhilig sa pakikipagsapalaran at may labis na pagmamahal sa rehyon na kanilang pinag mula.

3. bikolano - Umaabot sa 4, 469,000 ang bilang nila.

4. Kapamanggan - Matatagpuan sila sa lalawigan ng pampanga at ilang bahagi  ng tarlac at nuevea ecija.

Visayas

1. Cebuano - Ang mga Cebuano ay ikalawa na lamang at may kabuuang bilang pupulasyon na 15,151,000.

2. Ilongo - Ang kanilang pupolasyon ay umaabot sa 5, 648, 000 ayon sa senso ng taong 2000.

3. Waray - Binubuo ang pangkat ng may2,243,000 na katao.

Mindanao

Muslim - Ang muslim ang pinaka malaking pangkat ng mga di kristiyanong pilipino.
 

Ang mga nakarating sa pilipinas sa pamamagitan ng  tulay na lupa ay ang mga Dawn Man, Taong Tabon, At ang ita.

Ang Dawn Man - Ay sinasabing kasama ng mga sinaunang tao noon na padpad sa piilipinas. Pinaniniwalaan na ito ay   may kaugnayan sa taong Java ng Indonesia At Taong Peking ng China.

Ang taong tabon - Noong may 28, 1962 Natuklasan ng mga arkeologo ng pambansang museo sa yungib ng tabon lipuun Palawan ang mga buto ng tao at hayop kasama ang mga kagamitang tinapyas mula sa bato. ang pagkakatuklas sa labi ng taong naninirahan sa kweba ng tabon na tinawag ng taong tabon ay nagpapatuna na may tao na sa pilipinas noong  22 libong years ago.

Ita - 25000 years ago dumating ang mga taong maliit maiitim kulot ang buhok makaki ang mga mata sarat ang ilong at makapal ang labi.

Indones - Dumating ang unang pangkat ng indones sa bansa 7000 years ago.

Ang unang pangkat nila ay matataas balingkinitang pangangatawan maputi manipis ang mukha malapad ang noo at matangos na ilong.
Ang ikalawa namang pangkat ay nakarating sa pilipinas 3000 years ago.
sila ay maitim makapal ang labi malaki ang panga sarat ang ilong at malaki at bilog ang mata.

Malayo - Narating nila ang bansa sa pamamagitan ng bangkang tinatawag nilang balangay. Kayungmangi ang kulay ng balat katamtaaman ang taas matitigas ang pangangatawantuw

 

Pandarayuhan - Ang palipat - lipat ng isang tao mula sa isang lugar patungo sa iba pang mga lugar.

Mga Uri ng Pandarayuhan

1. Pandarayuhang panlabas -
Ay mga taong palipat - lipat sa ibang bansa.

2. Pandarayuhang panloob - Ay mga taong palipat-lipat kahit saan sa bansa.

Mga Huwaran Ng Pandarayuhan

1. Urban patungong rural - Ay nagaganap kapag ang isang lungsod ay lumipat sa lalawigan.

2. Rural patungong Urban - Mga tao mula sa mga pook rural na lumipat sa mga urban sa paniniwalang higit ang kanilang pag-unlad dito.

3. Rural Patungong Rural - Lumilipat din ang isang naninirahan ssa isang pook rural sa isa pang pook rural.

4. Dalawang Hakbangin - Ay nangyayari kapag ang isang taoy lumipat sa isang lugar at mula rito ay muling lilipat patungo ng iba pang pook.

5. Pamalit - Mga taong lumilipat sa mga lugar na iniwan ng mga taong dumayo sa ibang lugar o bansa ang pamalit sa mga p

 
Populasyon ng Pilipinas

Ang pilipinas ay isa sa mga may mataas na populasyon.
Ang pilipinas ay ika-8 sa mga bansang pinakamaraming tao sa kabuuan ng asya at ika-14 sa buong daigdig.

Ang mga Katangian ng Populasyon

1. Laki - Ang kabuuang bilang ng mga taong naninirahan sa isang lugar.

2. Bilis ng Paglaki - Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng bilang ng tao sa bawat taon.

3. Kapal - Ang nagsasaad ng bilang ng mga taong naninirahan sa bawat kilometro kwadrado.

4. Distribusyon - Ang pagkakabaha - bahagi ng kabuuang populasyon sa ibat-ibang lugar sa bansa.

5. gulang - Nagsasaad kung bata o matanda ang populasyon.

6. Kasarian - Tumutukoy sa dami ng lalaki at babae sa kabuuan ng populasyon.

7. Wika - May 87 na wika ang ginagamit ngayon sa kabuuan ng bansa.
 
Mga Katangian ng Populasyon na tutugon sa pag-unlad ng bansa

1. Pagkama-Diyos - Mga mamayang may lubusang pananalig sa may kapal. Nagsisilbing daan sa isang matibay na pagsasamahan tungol sa kaunlaran.

2. Pagkamakabansa - Pagmamahal ng mga mamamayan sa bayan ay nakatuon sa pag tatampok sa bansa bilang isang payapa at maunlad na pook panirahan ng mga tao.

3. Pagkamakatao - Hindi maaaring mabuhay na nag-iisa ang tao. Sinisikap niya na igalang ang mga karapatan ng kanyang kapwa sa twina. Buong puso ring ginagampanan niya ang kanyang mga tungkulin.

4. Pagkamakalikasan - mahalaga ang likas na yaman sa kaunlaran ng bansa at ng kanyang sarili. Ang kaalamang ito ang nagtutulak sa kanya upang gumawa ng mga paraan na makakatulong pagsagip sa kapaligiran.

5. Pagpapahalaga sa edukasyon - Ang eukaston ang pinakamabuting pamana na maaringmaipagkaloob ng mga magulang sa anak dahil mataas ang pagpapahalaga ng mga filipino sa p




 
Ang mga Uri ng Karapatan

1. Likas na Karapatan - Halimbawa nito ay mabuhay at magmahal.
2. Mga karapatan ayon sa konstitusyon - Nakapaloob sa Bill of Rights ng ating konstitusyon.
3. Mga Karapatan ayon sa batas - Ang mga mambabatas ay gumawa ng mga batas na nagkakaloob ng iba pang karapatan sa mga mamamayan.

Mga uri ng karapatan ayon sa saligang batas

1. Karapatang pampulitika - Ay tumutukoy sa ugnayan ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Ang karapatang ito ay nagbibigay sa mga mamamayan ng kapangyarihan makilahok sa pamamalakad ng pamahalaan.

2. Karapatang Sibil - Ay may kaugnayan sa relasyon ng mga mamamayan sa isat isa.

3. Karapatang pangkabuhayan - Ay tumutukoy sa mga pamaraang maaaring gawin ng tao upang magkaroon ng matatag na kabuhayan.

4. Karapatan ng nasasakdal - Ay nagbibigay ng proteksyon sa mga taong nagkakaroon ng kaso o usapin laban sa batas.

Ang Iba pang Mga karapatan

Karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagdakip

Ang isang tao ay hindi maaaring dakpin na lamang ng sinuman ng walang warrant of arrest. Hindi rin maaaring pumasok, maghalughog at magsamsam sa pamamahay ng isang tao, kahit pa ang mga may kapangyarihan kung walang search warrant.

Ang Pangunahing Tungkulin ng isang Mamamayang Pilipino

1. Pagiging matapat sa republika
2. paggalang sa watawat ng pilipinas
3. pagtangol sa estado
4. pagbabayad ng tamang buwis
5. pagpapar
 
Ang Mamamayang Pilipino

Mga tunay na Pilipino

1. Ang mga mamamayan ng pilipinas sa panahon ng pagkakapagtibay ng konstitusyong ito.
2. Ang ama o ina ay mamamayaan ng pilipinas.
3. Mga isinilang bago sumapit ang enero 17, 1973 na ang mga ina ay pilipino.
4. Mga dayuhang nagpasyang maging mamamayang pilipino ayon sa batas.

Mga uri ng pagkamamamayan


Naturalisado - Ay dayuhan nagkamit ng pagkamamamayang pilipino sa pamamagitan ng batas.

Likas - Ay ipinanganak sa pilipinas at ang kanyang mga magulang ay mga pilipino din.


Dalawang Prinsipyong sinusunod ng likas na Pagkamamamayan

1. Jus Sanguinis - Sinumang mamamayan na may mga magulang o kahit isa lamang sa magulang na lihitmong mamamayan ng isang estado ay nagiging mamamayan na rin ng naturang estado.

2. Jus Soli o Jus Loci - Nagsisilbing batayan ang lugar na sinilangan sa pagtatamo ng pagkamamamayan.

Ang Paraan Kung Paanong Nagiging Mamamayan ng Pilipinas ang isang dayuhan

1. Dapat na hindi bababa sa gulang na 21 years old ang edad sa araw na ang petisyon ay sisimulanng dinggin.
2. Nagtataglay siya ng malinis na pagkatao at paguugali at naniniwala sa mga prisipyong itinatadhana ng konstitusyon ng pilipinas.
3. Nakapagsasalita at nakakasulat ng Ingles o isa sa mga pangunahing wika ng pilipinas.

Ang mga Dayuhang hindi maaaring pagkalooban ng pagkamamamayang pilipino

1. Mga dayuhang naatulan ng kaparusahan dahil sa imoralidad.
2. mga dayuhang sumasalungat sa umiiral na pamahalaan.
3. mga dayuhang naniniwala sa poligamya.

Dahilan sa Pagkawala ng pagkamamamayang pilipino

1. pagiging naturalisadong mamamayan sa ibang bansa
2. pagtalikod sa pagiging mamamayan sa pilipinas
3. paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa

Paraan kung paano muling makamit ang pakamamamamayan

1. naturalisasyon
2. amnestiya sa mga tumakas sa hukbong sandatahan
3. tuwirang pagkilos ng kapulungang pambansa
 
4 na Elemento ng Isang Estado
1. Mamamayan
2. Teritoryo
3. Pamahalaan
4. Soberanya


# Ang Yamang Tao

Dalawang Uri ng Yamang-tao:

1. Karaniwang Manggagawa
a. Dalubhasa - Ay bunga ng kanilang pag-aaral ng kursong bokasyunal o teknikal. Ang iba ay naging dalubhasa dahil sa katagalan na sa gawain.
Halimbawa: teknisyan, mananahi, karpintero, drayber, at electrician

b. Di-gaanong sanay - Ay nangangailangan ng maikling panahaon para matutunan ang isang gawain.
Halimbawa: magsasaka, at mangingisda

c. Walang Kasanayan - Ay mga gawain nila ay kayang gawin ng ibang tao.
Halimbawa: kaminero, katulong, at tindera

2. Propesyunal -
ay nakatapos sa pag-aaral sa kolehiyo at sa mga unibersidad. Pasado rin sila sa mga pagsusulit na ipinagkaloob ng pamahalaan at nagtataglay ng lisensya.


# Mga Yamang Gawa ng Tao
Ang yamang gawa ng tao ay ang mga bagay na nilikha ng tao upang magamit sa paglikha ng iba pang mga bagay.

# Ang Lakas-Paggawa
Ang lakas paggawa ay ang lakas na nagmumula sa mga produktibong mamamayan sa bansa. Binubuo ito ng mga karaniwang maggagawa o propesyunal.

Ang Pagsilang ng mga Unyong Manggagawa sa Pilipinas

Ang unyon ay kilusang binubuo ng mga manggagawang pilipino na
magdadala ng kanilang mga karaingan sa mga kinauu