Talata - binubuo ng magkakaugnay na mga pangungusapna tumutukoy sa iisang paksa.

Pamaksang pangungusap - nagpapahayag kung ano ang paguusapan sa talata o pinapaksa nito.

Pabggitnang pangungusap - tumatalakay o nagpapalawig sa pamaksang pangungusap.

Pangwakas na pangungusap - nagbibigay ng isang kaisipan ayon sa pinag-uusapan.

Isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagbubuo ng talata:

1. Ang pamagat ay dapat nakasulat sa gitnang bahagi sa bandang itaas.
2. Ang simula ng unang pangungusap sa bawat talata ay bahagyang nakapasok.
3. maglaan ng mas malapad na palugit sa bahaging kaliwa kaysa sa bahaging kanan.
4. kailangang isaisip ang maayos na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
5. kailangan wasto ang pagbaybay, paggamit ng mga ankop na bantas, at malalaking titik.
 
Literatura:

I. Talasalitaan

1. ingay ng agos - lagaslas
2. pagtingin - pananaw
3. tahimik - matiwasay

II. Pagtalakay sa Kwento

1. Ano ang tinutukoy na tahimik na lugar sa kwento?
Ang tinutukoy na lugar ya sa dagat.
2. Bakit marami ang nagtutungo sa lugar na ito?
Kasi ang kulay ng dagat ay asul.
3. Bakit gustung-gusto ng mga tao ang ang nagtatampisaw?
Gusto ng mga tao magtampisaw dahil sa linaw ng tubig at linis ng buhangin sa ilalim.
4. Anong pagbabago ang mapapansin sa ating karagatan?
Ang bagbabago sa karagatan ay naging kulay kayumanggi at marami ang nag lutang na mga basura at marami ang mga patay na mga isda.
5. Paano natin lulunasan ang suliranin ng mga tao sa kasalukuyang kalagayan ng ating mga dagat?
Malulunasan natin ang suliranin sa pag linis ng dagat at ipag babawal ang pangingisda.

III. Pagpapahalaga
Makakatulong ako sa pagaalaga sa anyong tubig sa pag linis sa tubig at ipagbabawal ang pangingisda.

 
I. Mga Bantas

A. Tuldok

 - Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na pasalaysay at pautos.
Halimbawa:
Makinig ka sa sinasabi ng iyong magulang.
Pinag-usapan nila ang tungkol sa problema.

 - Ginagamit pagkatapos ng letra sa inisyal at daglat
Halimbawa:
Atty.
B.P.I.

 - Ginagamit pagkatapos ng bilang o letra sa listahan o balangkas.
Halimbawa:
1.   a.
2.   b.

B. Kuwit

 - Pagsulat ng lugar, petsa, o kaya' y pamuhatan ng liham.
Halimbawa:
Noveleta, Cavite
Oktubre 8, 2010

 - Pagkatapos ng bating panimula at bating pangwakas.
Halimbawa:
Gumagalang,

 - Paghihiwalay ng serye ng salitang parirala.
Halimbawa:
Ang bawat pangkat ay bumuo ng mga awitin na  may kaugnayan sa kapayapaan ng bansa, malinis na kapaligiran, uri ng hanapbuhay, at pagmamahal sa panginoon.

 - Paghihiwalay ng pangngalang pantangi na tinutukoy sa pangungusap.
Halimbawa:
Bb. More, ikaw ang napili bilang isa sa mga hurado sa paligsahang gaganapin bukas.

 - Paghihiwalay ng simuno at paningit sa kasunod na bahagi ng pangungusap.
Halimbawa:
Sina Dra. Austria at Dr. Catudio, ang mga naging estudyante ko, ay magbibigay ng libreng konsultasyon at mga gamot dito sa ating paaralan.

 - Paghihiwalay ng tuwirang pahayag at iba pang bahagi ng pangungusap.
Halimbawa:
" Anak," wika ni Aling Lucring, "patawarin mo na ang iyong ama".

 - Pangungusap na may Oo o Hindi, Tama o Mali sagot sa tanong.
Halimbawa:
Mali, dapat nakinig ka muna  sa paliwanag niya.

C. Tuldok kuwit

 - Paghihiwalay ng mga bahagi ng pangungusap kung nagamit na ang kuwit.
Halimbawa:
Si Rodel, ang janitor; si Elmer ang elektrisyan, ay parehong naglilingkod sa ating paaralan.

 - Pagitan ng sugnay sa isang tanbalang pangungusap na hindi ginagamitan ng pangatnig.
Halimbawa:
Masayahing tao si Minda; gustung-gusto niyang dinadalaw siya palagi.

D. Tutuldok

 - Pagsulat ng serye ng mga salita o listahan.
Halimbawa:
Isaalang-alang ang mga sumusunod:

 - Pagkatapos ng bating panimula sa liham pangangalakal.
Halimbawa:
Bb. Jenifer Ramos:

 - Pagkatapos ng pangalan ng nagsasalita sa diyalogo.
Halimbawa:
Corazon: Hindi pa. Bakit, nagugutom ka na ba?

E. Panipi

 - Panimula at pagkatapos ng salita o mga salita na sinipi bilang tuwirang pahayag.
Halimbawa:
Nanonood ka ba ng teleseryeng " Gulong ng Palad"?

 - Pagsulat ng artikulo, pamagat ng kwento, awit, o tula.
Halimbawa:
" Makipagkaibigan ka sa maraming tao, ngunit isa lamang sa sanlibo ang hihingan mo ng payo.

II. Mabuting Pakikiksama
Higit na masaya at magaan ang pakiramdam kung marunong kang makitungo at makisama sa ibang tao marami ang magugustuhan ka at kagigiliwan ka ng iyong kapwa kapag nakikita nila na marunong kang maki halubilo.
 
Literatura:

I. Talasalitaan

1. umangat - umasenso
2. huwaran - modelo
3. pabuya - gantimpala

II. Pagtalakay sa Kwento

1. Sino ang mag-anak na tinutukoy sa kwento?
Ang mag-anak sa kwento ay sina Mang Badol, Aling Petra, Lodring, Estong, Clara, Bening, Lily, Merla, at Rita.
2. Saan matatagpuan ang kanilang tirahan?
Matatagpuan ang kanilang tirahan sa isang lilib na pook sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur.
3. Ano ang kanilang ikinabubuhay?
Ang ikinabubuhay nila ay pagtatanim at pag-aalaga ng mga baboy at baka.
4. Anu-ano ang mga naging mungkahi ng mga anak nina Mang Badol at Aling Petra tungkol sa kanilang lupain?
Ang mga mungkahi nila ay mag patayo ng basketbolan, magtanim ng mas maraming gulay, at magtanim ng mababangong bulaklak.
5. Nagkaroon ba ng katuparan ang kanilang munting pangarap? Paano?
Natupad ang mga pangarap nila kasi masisipag sila, responsable at matutulungin.

II. Pagpapahalaga
Ipapahalaga ko ang isang bagay na ipinamana sa akin sa pag alaga sa bagay na ibinigay sa akin.
 
Panghalip Panaklaw - nagsasabi ng bilang, dami, kaisahan o kalahatan ng mga tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

Halimbawa:

alinman           balana        iba                kaninuman     madla
anuman           pawa          ilan               kailanman      pawang
                         bawat         ilanman        sinuman         pulos
                                             isa

II. Bukas na Puso
Kung bukas ang puso mo mapagmalasakit at mapagmahal ka sa kapwa tao at madali kalang magpatawad ng mga tao at madali ka lang rin nila patawarin at wala karing makakaaway.      
 
Literatura:

I. Talasalitaan

1. nasubaybayan - naitaguyod
2. balong lalaki - biyudo
3. kahirapan sa buhay - paghihikahos

II. Pagtalakay sa kwento

1. Sino ang biyudo na tinutukoy sa kwento?
Ang biyudo sa kwento ay si Mang Lucio.
2. Ilan ang anak ni Mang Lucio? Sinu-sino ang kanyang mga anak?
Tatlo ang kanyang anak. Sila ay sina Melba, Melvin, at Melchor.
3. Ano ang hanap buhay ni Mang Lucio?
Ang hanap buhay niya ay magbobote, magdidiyaryo, at magbabakal.
4. Ilarawan si Mang Lucio bilang isang ama.
Si Mang Lucio ay isang mabait at masipag na ama.
5. Paano naging maganda ang buhay nilang mag-anak?
Naging maganda ang buhay nila kasi masipag at matiyaga si Mang Lucio.
6. Bakit hindi tumigil sa hanapbuhay si Mang Lucio?
Hindi siya tumigil sa paghahanapbuhay para hindi sila muubusan ng pera at may mapapakain siya sa kanyang mga anak.

III. Pagpapahalaga
Makapamumuhay ako ng marangal sa pagiging masipag, matapat, matiyaga, at mabait.
 
I. Panghalip Pananong

Panghalip Pananong -
ginagamit sa patanong. Ito ay maaaring isahan o maramihan.

                       Isahan                               Maramihan
                        ano                                    anu-ano
                        sino                                   sinu-sino
                        kanino                               kani-kanino
                        saan                                  saan-saan
                        alin                                    alin-alin
                        kailan                                kai-kailan
                        nino                                   ninu-nino
                        paano                                paa-paano

Talumpati - mga mensaheng ipinahahayag sa madla sa pamamagitan
ng mga salita, kilos, at damdamin na inilahad nang maayos ng tagapagsalita. Ito ay dapat na napapanahon o tumatalakay sa kasalukuyang paksa o isyu.

Mga layunin ng talumpati:
1. Nagbibigay linaw o impormasyon sa isang paksa o isyu.
2. Nanghihikayat sa tagapakinig at napaniniwala ito.
3. Nagbibigay aliw o katuwaan.

Mga katangian ng isang magandang talumpati:
1. Kaisahan. Bawat bahagi ng talumpati ay tumutulong sa pangunahing diwa at tanging kaisipan.
2. Pagkakaugnay-ugnay. May kaugnayan ang bawat kaisipan upang hindi sabug-sabog ang diwa.
3. Pagbibigay diin sa mahalagang kaisipan upang tumino sa isipan ng tagapakinig.
4. Pagpili ng angkop na salita upang hindi maligoy ang pagpapaliwanag.
5. Maayos at malinaw na pagbigkas.

Sa pagbigkas ng talumpati, isaalang-alang:
1. ang tinig o paraan ng pagbigkas ng mga salita at pangungusap
2. ang tindig ng kalahok
3. ang kumpas ng kamay
4. ang galaw ng katawan
5. ang ekspresyon ng mukha
 
Literatura:

I. Talasalitaan

1. inilunsad - inihayag
2. adhikain - naisin
3. maaliwa - maliwanag

II. Pagtalakay sa Kwento

1. Ano ang napakinggan ni Aling Bening?
Ang napakinggan niya ay tungkol sa progmang inilunsad ng mga taga-MMDA.
2. Sino si G. Bayani Fernando?
Siya ay ang nangunguna sa mga tag-MMDA.
3. Ano ang adhikain ng kanyang programa?
Ang adhikain ng programa ay para hindi marumi tingnan sa kalsada o mga daanan.
4. Ano ang kanilang pamansag?
Ang pamansag nila ay Sampay Mo, Itago Mo.
5. Paano mabibigyang pansin ng mga mamamayan ang programang ito?
Mabibigyan pansin ang programa sa pag sabi sa mga tao tungkol sa programa.

III. Pagpapahalaga
Pinahahalagahan ko ang isang panawag o pakiusap sa pag kikinig kung ano ang sasabihin, at sa pag sunod sa sinasabi
 
I. Talasalitaan

1. malagim na pangyayari - trahedya
2. pinuputol ang mga punong kahoy - pagtotroso
3. nawala sa isang iglap - naghalo

II. Pagtalakay sa Kwento

1. Sinu-sino ang mga inaanyayahang magmasid sa kapaligiran?
Ang mga inaanyayang magmasid ay ang mga kaibigan.
2. Anu-anong mga lugar ang tinutukoy sa tula na napinsala?
Ang mga lugar ay Quezon at Mindoro.
3. Anong trahedya ang naganap sa Quezon at Mindoro?
Ang nangyari ay nagkaroon ng bagyo.
4. Ano ang pangunahing dahilan ng trahedyang nangyari?
Ang dahilan ay kasi dahil sa pagtotroso.
5. Paano malulunasan ang ganitong uri ng trahedya sa ating pamayanan.
Malulunasan ang trahedya kung mag tatanim ng maraming mga puno.
 
Panghalip Pamatlig - Ginagamit bilang panghalili sa pangngalang tinuturo.

Uri                           Malapit sa nagsasalita   Malapit sa kausap  Malayo sa  
                                kaysa sa kinakausap      o nakikinig               nagsasalita at
                                                                                                             at nag-uusap

1. Paturol              ito, ire                                  iyan, yaan              iyon, yaon
2. Paari                  nito, nire                              niyan                      niyon, noon
3. Paukol               dito, dine                             diyan                      doon
4. Pahimaton        eto, heto                              ayan, hayan          ayun, hayan
5. Patulad              ganito, ganire                    ganyan                   ganoon, gayon
6. Panlunan          nandito, narito                  nandiyan,nariyan  nandoon,
                                                                                                             naroon