Wika:

Ingklitik - Ang tawag sa mga katagang paningit sa pangungusap.
Halimbawa:
ba, na, yata, kasi, ho, pala, tuloy, sana, lang, daw/raw, pa, kaya, muna, lamang, din/rin, po, nga, man, naman

1. Lagi raw nagbabaha sa malabon.
2.May pasok daw tayo sa sabado.
3.Mano po lola.
4. Umiwas ka na lang sa kanya.
5. wala na akong sasabihin pa.

Aralin 6 - Pakikipagkalakalan ng pilipinas

I. Pagtalakay sa kwento

1. Anu-ano ang mga iniwan sa atin ng mga kastila?
Ang iniwan nila ay mga produkto at mga hayop.
2. Paano nagkaroon ng dugong kastila ang mga pilipino?
Nagkadugong kastila ang mga pilipino kasi meron dito sa pilipinas mga kastila.

Wika:

Pantukoy - ang salita o panandang ginagamit sa pangungusap.

1. Pantukoy na Panao - Tumutukoy sa panga;an lamang ng tao.
Halimbawa:
Si Alfonso ay isang mabuting ama.

2. Pambalana - tumutukoy o ginagamit na pananda sa karaniwang tao, bagay,lugar , at iba pa.

Halimawa:
Paalis na ang mag-anak na Perez.

Aralin 7 - Ang Uwak At Ang Pusa

I. Talasalitaan
1. nakabitin - nakasabit
2. mabighani - maakit
3. tumingala - tumingin paitaas

II. Pagtalakay sa kwento

1. Bakit natuwa ang uwak nang makarating sa lugar ng mangingisda.
Kasi makakakuha siya ng mga isda.
2. Ano ang kailangan ng pusa sa uwak.
Ang kailangan niya ay ang isda.
3. Paano nakuha ng pusa ang kinakaing isda ng uwak?
Nakuha ng pusa ang isda kasi pinakanta niya ang uwak.
4. Ano ang pabula?
Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

III. Pagpapahalaga
Kung ako ang uwak hindi ako maniniwala sa pusa pero bibigyan ko siya nang isda.

Wika:

Pangatnig - Isa ito sa mga uri ng pang-ugnay.

1. Pamukod - ginagamit upang itangi ang isa sa ibang bagay o isipan.
halimbawa
o, ni, maging, man

2. Pananhi - nagsasaad ng kadahilan. tumutugon sa tanong na bakit.
halimbawa
dahil, kasi, paano

3. Panubali - ginagamit sa pangungusap na nagsasaad ng pasubali o pasakali.
halimbawa
kung, sakali, pag

4. paninsay - ginagamit sa mga pangungusap na ang isa ay sinasalungat ng ikalawa.

5. panlinaw - ito ay ginagamit sa paglilinaw ng nasabi na.
halimbawa
kaya

6. panapos - ginagamit sa pagsasaad ng wakas ng pagsasalita.
halimbawa
para



Aralin 8 - Kumusta ka na, Nabalitaan mo na ba

I. Talasalitaan

1. Dayuhan - Turista
2. Imposible - di maaari
3. Pagsagip - pagligtas

II. Pagtalakay sa kwento
1. Sino ang magkaibigan?
Ang magkaibigan ay sina Pops at si Sharon.
2. Ano ang kanyang tanong?
Ang tanong niya ay kung kailan siya babalik sa pilipinas.
3. Nasaan ang kanyang kaibigan.
Ang kanyang kaibigan ay nasa Austraila.

III. Pagpapahalaga.
Nakikipagugnayan ako sa aking mga mahal sa buhay sa pag sulat sa kanila ng letra or sa pag send sa kanila ng email.

Wika:

Liham - Isang mabisang paraan ng pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa pamamagitan ng panulat ng isang taong nasa malapit o malayong lugar.

Mga Bahagi ng Liham:

1. Pamuhatan

 - Matatagpuan sa itaas na kanang bahagi ng liham.
 - naglalahad ng pinagmulan o tirahan ng sumulat at ng petsa ng pagkakasulat nito.
 - Ang pangalan ng lansangan, bayan, lalawigan, at buwan ay naguumpisa sa malaking titik at pinaghihiwalay ng kuwit ang bayan at lalawigan; ang petsa ng taon.
Halimbawa:
310 J. Fernando St.
Pasay City
Enero 20,2012

2. Bating panimula

 - Matatagpuan ito sa kaliwang bahagi ng sulat sa ilalim ng pamuhatan.
 - nagsasaad ng maikling pagbati sa taong sinusulatan.
 - nag-uumpisa sa malaking titik at nilagyan ng kuwit ang hulihan nito.
Halimbawa:
Mahal kong meg,

3. Katawan ng Liham

 - matatagpuan sa bating panimula at nakasulat ito nang patalata.
 - ang simula ng bawat talata ay nakaurong.

4. Bating pangwakas

 - naglalaad ng isang magalang na pamamaalam.
 - nagsasabi kung ano ang kaugnayan ng sumulat sa sinulatan.
halimbawa:
Nagmamahal,

5. Lagda

 - matatagpuan sa ilalim ng bating pangwakas.
 - nagsasaad ng pangalan o palayaw ng sumulat.
Halimbawa:
Tita rose

Mga Uri ng Liham:


1. Liham-Pangangalakal-
Pormal o opisyal na paraan ng pakikipagtalastasan o transaksyon sa mga tanggap o opisina.
Kailangan ang liham na ito ay malinaw maikli maayos magalang malinis at tapat.


2. Liham-Pangkaibigan

Mga Uri ng Liham-Pangkaibigan:

1. Liham-paanyaya - naglalahad ng isang paanyaya o imbitasyon para sa isang pagtitipon.

2. Liham ng pgtanggap sa paanyaya - nagsasaad ng pagtanggap o pagdalo sa isang imbitasyon.

3. pantanggi sa paanyaya - nagsasaad ng hindi pagtangngap sa paanyaya dahil sa isang matinding dahilan.

4. Liham-pagbati - naglalaman o naghahatid ng pagbatid sa isang kaarawan o nanalo.

5. pakikiramay o pakikisimpatiya - isang paraan ng pagaabot ng pakiramay sa isang kaibigan o kakilala na nakaranas na malungkot na pangyayari.

6. liham-pasasalamat - inilalahad sa liham na ito ang pasasalamat sa sinumang nakagawa ng kabutihan para s sumusulat.

7. paghingi ng paumanhin - Inilalahad ng sumulat ang kanyang paliwanag at pahingi ng kapatawaran.

8. Pagbabalita o pagkukwento - Nagsasaad ng mahahalaghang balita.

9. pangungumusta - nagsasaad upang alamin ang kalagayan ng isang kaibigan.


 
Literatura:

I. Talasalitaan

1. palipat-lipat - nagpupunta sa ibang lugar
2. tagtuyot - walang ulan
3. butil - bunga

II. Pagtalakay sa kwento

1. Ano ang tawag sa mga tao noong unang panahon na palipat-lipat ng tirahan?
Ang tawag sa kanila ay mga Nomad o taong layas.
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
Ang pangunahing tauhan sa kwento ay sina Siguihon at si Tiguihan.
3. Bakit tinawag na palay ang halaman.
Kasi tinawag ng bata na ito ay palay.
4. Paano natuklasan ni Siguihon ang palay?
Natuklasan niya ito kasi nagsalita ito sa kanya.

Wika:

Pang-abay - Bahagi ng pananalita na tumuturing sa pandiwa,pang-uri o isa pang pang-abay.

Aralin 3 - ang leon at ang kuneho

I. Talasalitaan

1. tuktok - itaas
2. bihag - huli
3. dagundong - malakas na tunog

II. Pagtalakay sa kwento

1. Bakit hindi natuloy kainin ni leon si kuneho?
Hindi natuloy kasi marami pang salita na sinabi si kuneho.
2. Paano nakalaya ang mga kuneho sa gubat?
Nakalaya ang mga kuneho sa gubat kasi namatay si leon.
3. Sino ang tinutukoy ni kuneho na naghahamon kay leon?
Wala si kuneho tinutukoy kasi tinatakot lang niya si leon.

Wika:

Sugnay na Pang-abay - Isa sa mga uri ng sugnay na di makapagiisa.

Halimbawa:
1. Lumubog ang maynila kapag tuloy-tuloy ang pag-ulan.

Aralin 4 - Araw ng mga guro

I. Talasalitaan

1. ipinagkait - ipinagdamot
2. iiwanan - lilisanin
3. kakaiba - di katulad

II. Pagtalakay sa kwento

1. Sa unang talata, ano ang nais iparating ng mag-aaral sa kanyang guro?
Ang nais niyang iparating ay ang pagsalamat sa lahat ng ginawa niya para sa kanya.
2. Sa ikalawang talata, anong katangian ang tinataglay ng guro.
Ang katangian ay mabait at maalahanin.
3. Bakit napakalaki ng ng nagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang guro?
Kasi ang guro ang inspiration niya.

Wika:

Uri ng pang-abay

1. Pamaraan - ang pang-abay na nagsasabi ng paraan o kung paano ginagawa ang kilos.
Halimbawa:
Mabagal maglakad ang aking lolo.
Dahan-dahan siyang magsalita.

2. Pamanahon - ang pang-abay na nagsasabi ng panahon o kung kailan ginawa ang kilos.
Halimbawa:
Kahapon pa dumating si lito.
Umuuwi ako ng bulacan tuwing biyernes.

3. Panlunan - Ito ang pang-abay na nagsasabi ng lugar o kung saan ginagawa ang kilos.
Halimbawa:
Itinuro sa paaralan ang mga kagandahang-asal.

4. Panang-ayon - ang nagsasabi ng pagpayag o pasang-ayon.
Halimbawa:
Oo,ako ang nanalo sa paligsahan.

5. Pananggi - ang pang-abay na nagsasabi ng pagtanggi, di pagtatanggap,o ng pagbabawal.
Halimbawa:
Hindi ako makakadalo sa iyong kaarawan.

6. Pang-agam - ang pang-abay na nagsasabi ng pag-aalinlang o di katiyakan.
Halimbawa:
Tila gusto na niyang sumali sa timpalak.

7. Panulad - ang pang-abay na naghahambing.
Halimbawa:
Mas masarap manood ng tv kaysa maglaro.

8. Panggaano - ang pang-abay na nagsasabi ng dami,sukat o timbang.
Halimbawa:
Umabot sa Pitumpung kilo ang aking timbang.

9. Panunuran - ang pang-abay na nagsasabi ng pagkasunod-sunod.
Halimbawa:
Unang nagpasa ng papel si christian.

10. Pamigatan - ang pang-abay na nagpapahayag ng paggalang.
Halimbawa:
Tutulungan ko na po kayo sa pagbubuhat.

11. Pananong - ang pang-abay na nagtatanong.
Halimbawa:
Paano mo ginawa ang iyong proyekto?

12. Panuring - ang pang-abay na nagpapahayag ng pagtanaw ng utang na loob.
Halimbawa:
Maraming salamat sa iyong pagdalaw.




 
Literatura:

I. Talasalitaan
1. humadlang - pumigil
2. tagubilin - utos
3. natupad - nasunod

II. Pagtalakay sa Kwento
1. Bakit labis na nabagabag ang Paraon?
Nabagabag siya kasi marami ang mga Israelita sa Ehipto.
2. Anong Paraan ang naisip ng Paraon upang malipol ang mga dumaraming Israelita.
Ang ginawa niya ay itinapon lahat ng lalaking Israelita sa Ilog.
3. Paano nakaligtas si moises sa kamay ng Paraon?
Nakaligtas si Moises kasi Nilagay syia ng kanyang ina sa basket at ipinalutang siya.

III. Pagpapahalaga
Kung ako ang princess hindi ko aalagaan si Moises kasi ibibigay ko siya sa tunay niya na ina.
 
Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay - Nagsasaad ng basal at payak na katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
a. Kailangang maging matalino ang Paraon.


2. Pahambing - Ginagamit kapag may dalawang tao, bagay, pook, at iba pa na pahahambing.
Halimbawa:
Ang mga Israelita ay mas marami kaysa sa mga Ehipsyo.


3. Pasukdol - Mga salitang nagtataglay ng katangiang mas nakahihigit sa lahat.
Halimbawa:
a. Binigyan ng napakahirap na gawain ang mga Israelita.

 
Kayarian ng Panguri

1. Payak - Binubuo ng mga salitang ugat.
.
2. Maylapi - salitang ugat na nilagyan ng panlapi.

3. Inuulit kapag ang pang-uri ay inuulit.
.
4. Tambalan - Ito ay binibuo ng dalawang salita na magkaiba.
 
Literatura:

I. Talasalitaan

1. nakadestino - nakatalaga
2. humabi - tumahi
3. tuklasin - alamin

II. Pagtalakay sa kwento

1. Anong ugali mayroon ang hari ng China?
Ang ugali ay nag papalibot ng mga mahistrado.
2. Bakit niya ito ginawa?
Kasi para malaman niya ang mga problema ng mga tao.
3. Patunayan na hindi nag sinungaling si Jerome?
Hindi siya nag sinungaling kasi nagsabi siya ng totoo sa mahistrado.

III. Pagpapahalaga
Magiging malungkot ako kung ako ay nakulong kasi hindi ko rin alam kung ano ang ginawa ko.
 
1. Magkasingkahulugan - Mga salitang may iisa o pareho ang kahulugan.

Halimbawa:

matipid - masinop

2. Magkasalungat - Mga salitang magkabaliktad o nagkakasalungat ang kahulugan.

Halimbawa:

madaldal - tahimik
 
Literatura:

I. Talasalitaan

1. Nahawi - Naalis
2. Humpay - Tigil
3. Tanikala - Kadena

II. Pagtalakay sa Kwento

1. Bakit sinabing malungkot ang daigdig ng isang nilalang?
Malungkot kasi nakakulong at hindi siya makapag isip ng maayos.
2. Paano nabuhay ang pag-asa ayon sa tula?
Nabuhay ang pag-asa kasi nakawala siya sa kulungan.
3. Kailan naging isang malaya ang makata?
Naging malaya siya nang naputol ang tanikala.
4. Bakit hindi pa raw tapos ang laban niya?
Hindi pa tapos ang laban kasi may bagong nag aalipin.


 
Uri ng pandiwa

1. Pandiwang Katawanin - Pandiwang nagpapahayag na ganap o buo na ang kilos na ginagawa ng simuno.
Halimbawa:
Nagbuburda si Nelia.
Ang mga dalaga ay nagkwekwentuhan.

2. Pandiwang Palipat - Pandiwang nangangailangan pa ng tuwirang layon upang mabuo kaisipang nais nitong ipahayag.
Halimbawa:
N
 
Literatura:
I. Talasalitaan
1.trahedya - malaking kapahamakan
2.naglaho - nawala
3.lipon - grupo,pangkat
II. Pagtalakay sa Kwento
1. Saan nangyari ang malagim na tahedya?
Nangyari ang trahedya sa Philsport stadium.
2. Sa iyong palagay sino dapat ang sisihin?
Ang sisihin dapat ay ang mga tao na gusto manood.
3. Anong programa sa telebisyon ang magdiriwang ng anibersaryo?
ang programa ay wowwowee.