Simuno - Ito ay ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimbawa:
Sina Ranie at Nelia ay nagpunta sa Cebu.
Umawi si Sarah ng kundiman.
Kaganapang Pansimuno - Ito ang mga pangngalang nsa bahaging panaguri. Ang simuno at kaganapang pansimuno ay tumutukoy sa iisang tao,bagay,lugar, o pangyayari.
Halimbawa:
Sina Ranie at Neliaay pabaya na magulang.
Si Sarah ay isang mang-aawit.
Tuwirang layon - Ito ay pangngalang tumatanggap sa kilos ng pandiwa at tumutugonsa tanong na ano.
Halimbawa:
Sumulat si Sally ng liham-pasasalamat sa kanyang tita.
Si Ate ay nagbabasa ng libro
Pamuno o Paksa - Ito ay nagsasabi tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Si Faith, ang pangulo ng klase, ay matalinong bata.
Si Gng. Oracion ang guro namin sa filipino 6.
Panawag - Ito ay ginagamit na panawag sa pangungusap.
Halimbawa:
Gweneth, kumain ka na ba?
Pricess, halika na!
Di-Tuwirang Layon - Ito ay pinag-uukulan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Siya ay nag-abot ng pera sa mga pulubi.
Si Juliana ay bumili ng gamot sa botika.
Layon ng Pang-ukol - Ito ay pangngalan bilang layon ng pang-ukol sa pangungusap.
Halimbawa:
Para kay Itay ang relong ito.
Ayon sa balita laganap na ang krimen sa paligid.
II. Pagtutupad sa Pangako
Kung hindi mo matutupad ang mga pangako mo maraming tao ang magagalit sa iyo. Para sa akin hindi na ako maggagawa ng pangako kasi ayaw ko tong hindi matutupad.