1. Likas na Karapatan - Halimbawa nito ay mabuhay at magmahal.
2. Mga karapatan ayon sa konstitusyon - Nakapaloob sa Bill of Rights ng ating konstitusyon.
3. Mga Karapatan ayon sa batas - Ang mga mambabatas ay gumawa ng mga batas na nagkakaloob ng iba pang karapatan sa mga mamamayan.
Mga uri ng karapatan ayon sa saligang batas
1. Karapatang pampulitika - Ay tumutukoy sa ugnayan ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Ang karapatang ito ay nagbibigay sa mga mamamayan ng kapangyarihan makilahok sa pamamalakad ng pamahalaan.
2. Karapatang Sibil - Ay may kaugnayan sa relasyon ng mga mamamayan sa isat isa.
3. Karapatang pangkabuhayan - Ay tumutukoy sa mga pamaraang maaaring gawin ng tao upang magkaroon ng matatag na kabuhayan.
4. Karapatan ng nasasakdal - Ay nagbibigay ng proteksyon sa mga taong nagkakaroon ng kaso o usapin laban sa batas.
Ang Iba pang Mga karapatan
Karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagdakip
Ang isang tao ay hindi maaaring dakpin na lamang ng sinuman ng walang warrant of arrest. Hindi rin maaaring pumasok, maghalughog at magsamsam sa pamamahay ng isang tao, kahit pa ang mga may kapangyarihan kung walang search warrant.
Ang Pangunahing Tungkulin ng isang Mamamayang Pilipino
1. Pagiging matapat sa republika
2. paggalang sa watawat ng pilipinas
3. pagtangol sa estado
4. pagbabayad ng tamang buwis
5. pagpapar