Literatura:
I. Talasalitaan
1. Makinang-makislap
2. Natuklasan-nalaman
3. Nagmatyag-nagbantay
4. Kabigha-bighani-kaakit-akit
5. Bantayog-rebulto
II. Pagtalakay sa kwento
1. Ilarawan si Rodolfo at ang Diwata batay sa pagbasa sa kwento.
Si Rodolfo ay isang ulilang binata na namamasukan bilang karaniwang empleyado sa isang korte.
At ang Diwata naman ay si Liwanag ipinadala siya ni bathala bilang gantimpala sa kanyang pagiging masipag at matapat ni Rodolfo
2. Bakit nag-iisaa sa buhay si Rodolfo?
Nag-iisa si Rodolfo kasi hindi siya mayaman, wala siyang aswa at ulila siya.
3. Isalaysay ang ginawa niya sa nakitang kuhol.
Ang ginawa niya sa nakitang kuhol ay nakipaglaro siya rito sandali at naaliw siya isinilid niya sa bulsa ang kuhol at iniuwi sa bahay.
4. Paano siya tinulungan ng diwata?
Tinulungan siya ng diwata sa pagluluto ng hapunan ni Rodolfo at pag-aalaga sa kanya.
5. Ano ang ginawa ni Rodolfo nang nawala na ang diwata?
Ang ginawa ni Rodolfo ay nagtayo siya ng isang bantayog para sa diwata.
III. Pagpapahalaga
Sipag
Hindi dahilan ang mawalan ng pag-asa sa buhay kung ulila at mahirap ka. Maraming paraan para maaayos ang buhay mo. Maging masipag ka, matapat at matiyaga.
I. May dalawang uri ang sugnay
1. Sugnay na makapag-iisa - Ito ay nagpapahayag ng buong diwa. May simuno at panaguri.
Halimbawa:
a. Nagrali ang mga tao sa kalye.
b. Umakyat sa puno ang bata.
2. Sugnay na di-makapag-iisa - Ito ay hindi nagbibigay ng buong diwa kung nakahiwalay sa pangungusap. Pinangunguhan ito ng mga pangatnig na kung, upang, habang, sapagkat, kapag, dahil , kasi, nang, subalit, ngunit, para, pero, kaya, samantalang.
Halimbawa:
a. samantalang may panahon pa
b. sapagkat nag-aral siya ng mabuti.
Literatura:
I. Talasalitaan
1. estero - kanal
2. adhikain - naisin
3. mapaunlad - mapalago
4. sumang-ayon - sumunod
5. paglilinkod- pagsisilbi
II. Pagtalakay sa Kwento
1. Sino si Benedict sa kwentong binasa?
Si Benedict ay ang bagong pangulo ng sangguniang kabataan.
2. Ano ang kanyang ipinaabot sa mga kabataan?
Ang ipinaabot niya sa mga babataan ay ang kanyang taos-pusong pasasalamat dahil sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.
3. Ano ang naging adhikain sa kanyang pamumuno?
Ang naging adhikain ay mapaunlad ang kanilang barangay.
4. Anu-ano ang mga layuning nais niyang maisakatuparan?
Ang mga layuning nais nais niyang maisakatuparan ay ang kalinisan at kaayusan sa kanilang barangay.
5. Paano ipinakita ng bawat isa ang kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan?
Ipinakita nila ang kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan sa paglilinis sa paligid sa kanilang plasa at sa mga estero.
III. Pagpapahalaga
Maipapakita ko na ako ay mabuting mamayanan sa pag tapon ng basura sa tamang lugar at paglinis sa paligid.
I. Kayarian ng Pangungusap
1.Payak - Ito ay pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan.
Halimbawa:
Bilog ang buwan kagabi
Ang sahig ay makintab
2. Tambalan - Ito ay pangungusap na may dalawa o higit pa sa dalawang diwa ang ipinapahayag. Ito ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap na may kanya-kanyang simuno at panaguri.
Halimbawa:
Si Sharon ay dumalaw sa istasyon ng radyo samantalang si Sally ay pumunta naman sa senado.
Si Janine ay mahiyain samantalang si Jeline ay masayahin.
3. Hugnayan - Ito ay pangugusap na binubuo ng sugnay na makapag-iisa at ng isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
Si Steve ay napaiyak dahil sa sobrang kaligayahan.
Humabol pa rin siya sa pag pupulong kahit huli na.
4. Langkapan - Ito ay pangungusap na may dalawa o higit pang malayang sugnay at isa o higit pang di-malyang sugnay.
Halimbawa:
Si Janine ay napayuko at si jeline ay napaiyak nang sabihin ng ina na may dinaramdam siya.
Ang kaginhawahan ay makakamit at ang kapayapaan ay mananaig kung ang lahat ay magtulungan at magkakaisa.
I. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
A. kung may paksa:
1. Pasalaysay o Paturol - kung naglalahad ng katotohanan o pangyayari. Nagtatapos ito sa tuldok.
Halimbawa:
Napanood na ni Ryan ang laban ni Manny Pacquiao,
2. Patanong - ay nagtatanong. At gumagamit ng tandang pananong.
Halimbawa:
Natapos na ba siya sa mga gawaing bahay?
3. Pakiusap o Pautos - kung nakikiusap o naguutos. Maaari itong gamitan ng tuldok o tandang pananong.
Halimbaw:
Paki ayos nga ng mga gamit mo.
4. Padamdam - kung nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamitan ito ng tandang padamdam.
Halimbawa: Yay! mataas ang marka ko sa Science.
B. kung walang paksa:
1. Pormulasyong Panlipunan - Pagbati, pagbibigay galang na naging bahai ng Lipunang Pilipino
Halimbawa:
Magandang Umaga po!
2. Sambitla - Maikling pahayag na bugso ng damdamin.
Halimbawa:
Naku! Aray! Ouch!
3. Penominal Naglalahad ng oras o panahon.
Halimbawa:
Kumidlat, Kumulog, Bumaha
4. Pandiwang Pautos - Naglalahad ng utos kahit hindi binabanggit kung sino ang kausap nauunawaan ng kaharap ang inutusan.
Halimbawa:
Takbo. Kain. Tahimik. Upo.
5. Eksistensyal - Naglalahad ng pagkamayroon ng isang bagay.Pinangungunahan ng may o/ at mayroon.
Halimbawa:
May ulan na.
II.Kung may humingi ng tawad
Ang gagawin ko ay papatawarin ko naman siya pero dapat hindi na niya yon ulit gagawin kasi kung gagawin nanaman niya yon sa akin hindi ko na siya papatawarin.
I. Bahagi ng Pangungusap
A. Simuno - ay ang bahaging pinag-uusapan
1. payak na simuno- kung ito ay hindi ginagamitan ng panuring
2. buong simuno- kung ginagamitan ng panuring
Halimbawa:
Si Manny ay nanalo sa patimpalak.
payak na simuno - Manny
buong simuno - Si Manny
B. Panaguri - ang bahaging nagsasabi ng tungkol sa simuno
1.payak na panaguri- kung isang salita lang ang nagpapahayag ng tungkol sa simuno
2.buong panaguri- kung may iba pang salitang kasama ito bukod sa payak na panaguri
Halimbawa:
Si Manny ay natalo sa boksing.
payak na panaguri - natalo
buong panguri- ay natalo sa boksing
II. Ayos ng Pangungusap
A. tuwiran/karaniwang ayos - kung ang panaguri ay nauuna sa simuno.
Halimbawa:
Mahusay gumuhit si Marlon.
Masayang naglaro sina Paolo, Aaron, at Patrick.
B. kabalikan/di-tuwirang ayos - kung ang simuno ay nauuna sa panaguri. Ito ay ginagamitan
ng panandang ay.
Halimbawa:
Si Angelie ay mahusay umawit
Si Aimee ay nagsisimba tuwing araw mg Linggo.
III. Talata gamit ang dalawang uri ng pangungusap
Balang araw, pupunta ako dito. Ito ay ang Night Safari. Ang Night Safari ay matatagpuan sa bansang Singapore.
Gusto ko makarating sa lugar na ito kasi may iba't ibang hayop. Pupunta ako sa lugar na ito kung may pera ako. Sana magkatotoo ang pangarap ko.
IV. Paghingi ng Pahintulot
Dapat natin ugaliin ang paghingi ng pahintulot kung hindi sa atin ang gamit. Dapat lang na humingi ng pahintulot para hindi mapagbintangang magnanakaw at matawag na bastos. Ang hindi pagpapaalam ay nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan.
I. Parirala/Pangungusap
Parirala - Ay lipon ng mga salita na walang buong dowa o kaisipan. Ito ay walang simuno o panaguri.
Halimbawa:
ibinigay ng Diyos
bawat anak
Pangungusap - Ay lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa o kaisipan.
Halimbawa
Ang isang mabuting anak ay mapagmahal sa magulang.
Si Kathryn ay magandang bata.
II. Kasanayang Pangwika
Pagpapadama ng pagmamahal. Sa palagay ko naipinadarama ko ang aking pagmamahal sa aking mga magulang sa pagiging masunurin at maalalahanin sa kanila. Minsan tumutulong din ako sa mga gawaing bahay at nag-aaral ng mabuti.
Bilang kapatid naman ako ay may konting patience sa kakulitan at ingay ni George.
Sa mga kaibigan ko na man, ganon din. Akoy nag papasensya sa sobrang ingay nila. Minsan naman nag sha share din ako kung anong meron ako na wala sila gaya ng papel, pagkain at iba pa.
III. Ang aking ginawang patalastas tungkol sa Pagbibigay Dangal sa Magulang.
Mga kaibigan, alam niyo ba isa lang sa sampung kautusan ang may kasamang pangako ang panginoon? Ano ba yon? Ito ay ang kautusang " Galangin mo ang iyong Ama at Ina..... upang ang mga araw ng pamamalagi sa mundo ay mahaba; yan ay bigay ng poon sa iyo."
Note: pp, 18-22 (scanned)