I. Panghalip Panao - Ang panghalip panao ay ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao. Ito ay nahahati sa tatlong uri batay sa panauhan o kung sino ang tinutukoy na tao.
1. Unang panauhan - Ito ay tumutukoy sa taong nagsasalita.
Halimbawa:
Ako ay nangakong mag-aaral ng mabuti.
Tinutulungan ko si nanay na mag linis ng bahay.
2. Ikalawang Panauhan - Ito ay tumutukoy sa taong kinakausap.
Halimbawa:
Kayo ay matutuong magpahalaga sa aming pinaghirapan.
Ikaw ay makakasama sa pakikipanayam sa mga manunulat.
3. Ikatlong Panauhan - Tumutukoy sa isa o higit pang taong pinag-uusapan.
Halimbawa:
Siya ay nag-aagaw-buhay sa pagamutan.
Sila ay nag-usap-usap na mag-aalay ng mga prutas at bulaklak.
II. Kailanan at Panauhan ng Panghalip Panao
Panauhan Kailanan
Isahan Dalawahan Maramihan
Una ako, ko, akin kita, kata, ta tayo, atin, kami
kanita, nita natin, amin, namin
Pangalawa ikaw, ka, mo, ninyo, inyo, kayo, inyo, ninyo
iyo kayo
Pangatlo siya, niya, kanya sila, nila, kanila sila, nila, kanila
III. Inang Kalikasan
Ang inang kalikasan ay ang nagbigay sa atin ng buhay. Binigyan niya tayo ng tubig na mainom at pagkain. Ngayon dapat tayo mag tulungan para hindi maubos ang yaman na handog dito sa atin. Dapat tayo magtanim ng maraming puno at iba pang mga halaman. Dapat hindi palagi mangaso ng mga hayop. Dapat natin linisin ang ating kapaligiran.