Literatura:

I. Talasalitaan

1. palipat-lipat - nagpupunta sa ibang lugar
2. tagtuyot - walang ulan
3. butil - bunga

II. Pagtalakay sa kwento

1. Ano ang tawag sa mga tao noong unang panahon na palipat-lipat ng tirahan?
Ang tawag sa kanila ay mga Nomad o taong layas.
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
Ang pangunahing tauhan sa kwento ay sina Siguihon at si Tiguihan.
3. Bakit tinawag na palay ang halaman.
Kasi tinawag ng bata na ito ay palay.
4. Paano natuklasan ni Siguihon ang palay?
Natuklasan niya ito kasi nagsalita ito sa kanya.

Wika:

Pang-abay - Bahagi ng pananalita na tumuturing sa pandiwa,pang-uri o isa pang pang-abay.

Aralin 3 - ang leon at ang kuneho

I. Talasalitaan

1. tuktok - itaas
2. bihag - huli
3. dagundong - malakas na tunog

II. Pagtalakay sa kwento

1. Bakit hindi natuloy kainin ni leon si kuneho?
Hindi natuloy kasi marami pang salita na sinabi si kuneho.
2. Paano nakalaya ang mga kuneho sa gubat?
Nakalaya ang mga kuneho sa gubat kasi namatay si leon.
3. Sino ang tinutukoy ni kuneho na naghahamon kay leon?
Wala si kuneho tinutukoy kasi tinatakot lang niya si leon.

Wika:

Sugnay na Pang-abay - Isa sa mga uri ng sugnay na di makapagiisa.

Halimbawa:
1. Lumubog ang maynila kapag tuloy-tuloy ang pag-ulan.

Aralin 4 - Araw ng mga guro

I. Talasalitaan

1. ipinagkait - ipinagdamot
2. iiwanan - lilisanin
3. kakaiba - di katulad

II. Pagtalakay sa kwento

1. Sa unang talata, ano ang nais iparating ng mag-aaral sa kanyang guro?
Ang nais niyang iparating ay ang pagsalamat sa lahat ng ginawa niya para sa kanya.
2. Sa ikalawang talata, anong katangian ang tinataglay ng guro.
Ang katangian ay mabait at maalahanin.
3. Bakit napakalaki ng ng nagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang guro?
Kasi ang guro ang inspiration niya.

Wika:

Uri ng pang-abay

1. Pamaraan - ang pang-abay na nagsasabi ng paraan o kung paano ginagawa ang kilos.
Halimbawa:
Mabagal maglakad ang aking lolo.
Dahan-dahan siyang magsalita.

2. Pamanahon - ang pang-abay na nagsasabi ng panahon o kung kailan ginawa ang kilos.
Halimbawa:
Kahapon pa dumating si lito.
Umuuwi ako ng bulacan tuwing biyernes.

3. Panlunan - Ito ang pang-abay na nagsasabi ng lugar o kung saan ginagawa ang kilos.
Halimbawa:
Itinuro sa paaralan ang mga kagandahang-asal.

4. Panang-ayon - ang nagsasabi ng pagpayag o pasang-ayon.
Halimbawa:
Oo,ako ang nanalo sa paligsahan.

5. Pananggi - ang pang-abay na nagsasabi ng pagtanggi, di pagtatanggap,o ng pagbabawal.
Halimbawa:
Hindi ako makakadalo sa iyong kaarawan.

6. Pang-agam - ang pang-abay na nagsasabi ng pag-aalinlang o di katiyakan.
Halimbawa:
Tila gusto na niyang sumali sa timpalak.

7. Panulad - ang pang-abay na naghahambing.
Halimbawa:
Mas masarap manood ng tv kaysa maglaro.

8. Panggaano - ang pang-abay na nagsasabi ng dami,sukat o timbang.
Halimbawa:
Umabot sa Pitumpung kilo ang aking timbang.

9. Panunuran - ang pang-abay na nagsasabi ng pagkasunod-sunod.
Halimbawa:
Unang nagpasa ng papel si christian.

10. Pamigatan - ang pang-abay na nagpapahayag ng paggalang.
Halimbawa:
Tutulungan ko na po kayo sa pagbubuhat.

11. Pananong - ang pang-abay na nagtatanong.
Halimbawa:
Paano mo ginawa ang iyong proyekto?

12. Panuring - ang pang-abay na nagpapahayag ng pagtanaw ng utang na loob.
Halimbawa:
Maraming salamat sa iyong pagdalaw.







Leave a Reply.