I. Uri ng mga Salita

1. Payak. Ito ay binubuo ng salitang ugat.
Halimbawa: sulat, aral
 
2. Inuulit. Ito ay mga salitang inuulit.
Halimbawa: taun-taon, buwan-buwan

3. Tambalan. Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagkabit sa pamamagitan ng paggamit ng gitling. Ang gitling ay ginagamit kapag may salitang nawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal.
Halimbawa: anak-mahirap (anak ng mahirap)

Note: Ang tambalang salita ay hindi ginagamitan ng gitling kapag ito ay nagkakaroon bagong kahulugan
Halimbawa: dapithapon (papalubog na ang araw)

4. Maylapi. Ito ay binubuo ng slitang ugat na may panlapi.
Halimbawa: masipag, basahin

II. Kasanayang Pangwika

Pagkilala sa pag katalo. Ang buhay ng tao ay minsan matagumpay at minsan may kabiguan. Pero hindi dapat maging pikon kung talunan. Maari pa namang sumubok ulit.

Gaya ko naranasan ko nang sumali sa isang paligsahan at ako ay natalo. Pero hindi ako nagalit. Ang ginawa ko ay nagtanong ako ulit kung meron pa bang paligsahan upang sumubok ulit at baka mananalo na ako.

Trivia: Thomas Alva Edison. Imbentor ng light bulb at phonograph. Hindi mabilang kung ilang ulit siyang nag experiment hangang naging matagumpay ang kanyang imbento.

Note: Mga Pagsasanay pp 8, 10-12 (scanned)
Jezz
8/6/2013 12:28:41 am

..m0re example p ng tambalan..

Reply



Leave a Reply.