I. Uri ng mga Salita

1. Payak. Ito ay binubuo ng salitang ugat.
Halimbawa: sulat, aral
 
2. Inuulit. Ito ay mga salitang inuulit.
Halimbawa: taun-taon, buwan-buwan

3. Tambalan. Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagkabit sa pamamagitan ng paggamit ng gitling. Ang gitling ay ginagamit kapag may salitang nawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal.
Halimbawa: anak-mahirap (anak ng mahirap)

Note: Ang tambalang salita ay hindi ginagamitan ng gitling kapag ito ay nagkakaroon bagong kahulugan
Halimbawa: dapithapon (papalubog na ang araw)

4. Maylapi. Ito ay binubuo ng slitang ugat na may panlapi.
Halimbawa: masipag, basahin

II. Kasanayang Pangwika

Pagkilala sa pag katalo. Ang buhay ng tao ay minsan matagumpay at minsan may kabiguan. Pero hindi dapat maging pikon kung talunan. Maari pa namang sumubok ulit.

Gaya ko naranasan ko nang sumali sa isang paligsahan at ako ay natalo. Pero hindi ako nagalit. Ang ginawa ko ay nagtanong ako ulit kung meron pa bang paligsahan upang sumubok ulit at baka mananalo na ako.

Trivia: Thomas Alva Edison. Imbentor ng light bulb at phonograph. Hindi mabilang kung ilang ulit siyang nag experiment hangang naging matagumpay ang kanyang imbento.

Note: Mga Pagsasanay pp 8, 10-12 (scanned)
 
LITERATURA:

A. Talasalitaan: Mga salitang mag kasingkahulugan

  1. sabi - sambit
  2. panghihina - panlulumo
  3. pansin - alintana
  4. karukhaan - kahirapan
  5. bata - musmos

B. Bumuo ng iba't ibang salita mula sa salitang PANGARAP
  1. para
  2. ang
  3. agap
  4. gara
  5. garapa
  6. pana
  7. panga

C. Pagtalakay sa kwento

1. Sino sa kwento ang punong-puno ng panarap?
Si Aymee ay punong-puno ng pangarap.

2. Ano ang kanyang pangarap sa buhay?
Pangarap niyang makatapos ng pag-aaral kahit hindi isang accountant.

3. Paano niya natupad ang pangarap na ito?
Hindi siya nawalan ng pag-asa kahit salat sa buhay. Nagdasal siya,  nagsipag at nagtiyagang nag-aral.

4. Anu-ano ang mga taglay niyang katangian?
Siya ay madasalin, masipag, at matiyaga.

5. Sa iyong palagay, dapat ba siyang hangaan? Bakit?
Sa palagay ko si Aymee ay kahangahanga. Kasi hindi siya nawawalan
ng pag-asa kahit mahirap ang katayuan niya sa buhay. Nagsunog siya nga kilay sa pag-aaral, kasabay nito ang kanyang pagtatrabaho bilang
student-aide.

Pagpapahalaga(Scanned)pp6-7

C. Gumawa ng isang talata tungkol sa iyong pangarap

Ang Aking Pangarap
by Erika Zoe K. Almaden

Ang aking pangarap ay maging manggagamot ng mga hayop at maging taga pag-alaga ng mga ligaw na mga hayop sa paligid.

Matagal pa ito at hindi madali. Upang matupad ko ito magsipag ako sa
pag-aaral, at mag dasal ako sa diyos.